Friday, September 15, 2006

RANDOM.

Medyo nawala ako ng ilang araw ah pero andito lang naman talaga ako. Ang laaaaboooo. Medyo tinatamad kasi ako mag-update eh at hindi narin ako masyadong nakakapag blog hop kasi busy ako sa pagtunganga.

Hindi, busy talaga ako. Well, medyo lang :)

CWC here I come!
Well well well, enrolled na ako sa stupid school na iyon (hindi naman siya stupid wala lang akong masabi eh). And si Mom na naman ang nasunod. Tsss. Walang magagawa. Sayang naman 'yung tatlong oras lang na klase at 2 days a week lang. Haaaaaaayyyy.. Eto pa, nagtake ako ng test doon last Tuesday. Sobrang on-the-spot talaga. Wala talaga akong ka-idedeya na may mga ganon ganon pa pala. Qualifying test sa English at Maths. Oh well, kailangan naman talaga nilang malaman kung pwede ako sa course na kukunin ko. At ang dali lang talaga :) Mataas naman nakuha ko kaso 'yung iba minalian eh tama talaga 'yun. Tsssss. Naman. Haha!

...'yung nanay ko sinamahan ako tapos hindi ko na maalala yung pangalan ng tatsulok na mareho 'yung size ng sides tapos sabi niya, itatanong niya daw sa kapatid ko. Hahaha. Hello, exam kaya 'yun. Hindi na ako marunong mangopya no. GOOD GIRL NA AKO! *sabay suka*

wattapanaginipp.
Naku, madalas na akong nagkakaroon ng bad dreams. Sunod sunod na ah. Patay. Sobrang freaked out talaga ako sa napanaginipan ko last night, ay last last night pala 'yun. Namatay daw 'yung pinakamamahal ko sa buong mundo (corny) dahil sa apoy. May sumagi sa mukha niyang papel at nasunog siya, pinapanuod ko pa 'yun sa telebisyon ah. Pero hindi ko napansin na namatay na nga siya dahil doon kasi konting apoy lang naman eeeehhhh tapos may sumulat sa akin na namatay na nga daw. At syempre, umiyak na naman ako ng sobra hanggang paggising ko. Ang laboooo talaga ng mga panaginip ko. Nakakatakot.

Ayyyy, may nagrape daw sakin. Ewan ko. Ang weird talaga. Hahahahaha.

BADTRIP NA AKO! EDIT KO NA LANG TOMORROW. BADTRIP TALAGA.

No comments: