Lumingon ako at nakita ka sa loob ng iyong sasakyan. Papaalis ka na sana ngunit hinarang ka ng aking matalik na kaibigan. Alam kong napansin mo ako na malapit at nakatitig lamang sa'yo ngunit hindi mo man lang naisipan na ako'y batiin. Nilapitan mo ang aking kaibigan at nakipagkwentuhan ka ng masiglang masigla habang ako'y nasa isang tabi at naghihintay sa iyong mga ngiti. Pinagmamasdan ko kayong dalawa habang nagtataka kung bakit wala ka man lang pakialam sa akin. Nagmumuni muni at nababaliw na sa kakaisip kung ano ang dahilan ngunit kahit anong gawin ay hindi ko pa din maintindihan.
Ilang minuto ang lumipas at nakita ko kayong papasok na sa iyong sasakyan. Napakatindi ng lungkot at sakit na aking nadama habang nakita ko kayong papalayo na at naitanong sa sarili kung bakit ganon ganon na lamang ang iyong inasal.
Napaiyak ako sa aking kinatatayuan, pinapahid ang mga luha nang napagtantong panaginip lamang pala.
Hindi ko alam ang pinaaprating ng panaginip na ito. Malapit na kaya ang katapusan ng lahat lahat ng paghihirap?
Ngunit diba't ang panaginip daw ay kabaligtaran ng katotohanan? Ngunit ayoko namang paniwalaan ang kasabihang ito sapagkat napakahirap at napasakit na umasa.
[I need Rob's interpretation!! Hahahahahahahah:P WALA LANG GUYS! Ang drama masyado, ang tagalog din sayang hindi malalim. Harhar!]
No comments:
Post a Comment